Skip to main content

Popular posts from this blog

Ang bagay na 'to

hindi mo rin alam minsan weh, kung paano simulan ang isang tula, paano uumpisahan ang isang mahabang kwento nang hindi tumatalon sa bawat pangyayaring maisip mo lang. walang maayos na pagkasunud sunod. kung maraming ding nahihirapan sa ganitong sitwasyon, ako pa kaya? masasabi ko ngayon, hindi ako likas na manunulat. sa halip, naisusulat ko lang ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. walang kaayusan ang mga bagay na iniisip ko. at dahil repleksiyon lang ng iniisip ko ang mga isinusulat ko, sa malamang na hindi talaga lumabas na maganda ang mga gawa ko. ulet, dahil isinusulat ko lang ang mga naiisip ko, ibig sabihin, simula pa lang, wala rin akong planong maging maganda ang takbo ng kwento, pagkakasunud sunod ng pangyayari, mga salita at pangungusap. hindi ko rin intensyong magandahan ang mga bumabasa o babasa nito. sa huli, gusto ko lang talagang ibahagi ang mga laman ng isip ko minsan. at ipabasa ang mga bagay na minsang umokupa ng isip, oras at emosyon ko.